Tuloy na ang operasyon ng lotto para sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) gayundin sa modified GCQ areas.
Ito ang binigyang diin sa DWIZ ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ay upang maipagpatuloy nila ang pagpopondo sa mga proyekto ng pamahalaan at pagbibigay ayuda sa mga kapos-palad.
Dahil dito, maaari nang makabili ang mga nasa GCQ at MGCQ areas ng kanilang lotto tickets mula ala siete ng umaga hanggang alas otso ng gabi bago ang regular na bolahan ng lotto tuwing alas nueve.
Gayunman, nilinaw ni Garma na mananatili pa ring suspendido ang operasyo ng small town lottery (STL) sa iba’t-ibang lokalidad “until further notice”.
Paliwanag pa ni Garma, wala naman aniya silang subsidiyang natatanggap sa pamahalaan kaya’t kailangan nilang buksan ang lotto games para makalikha ng pondo.
Nakaka-survive pa naman kami but hindi pwedeng hindi kami magbubukas kasi hindi kami subsidize ng national government so, kami pa nga yung nagbibigay from our taxes, dividends atsaka funding sa mga iba-ibang agency kung walang operation ang PCSO wala kaming maibibigay and eventually walang masasahod ang ating mga empleyado,” ani Garma.