Ibinalik nang muli ng South Korea ang loudspeaker propaganda nito laban sa North Korea.
Ito ay matapos ang umano’y hydrogen bomb test na isinakatuparan ng NoKor.
Ipinosisyon na ng SoKor ang loudspeakers nito 11 lokasyon sa border ng Korean peninsula kung saan nagpapatutog sila ng pagkalakas lakas na musika, balita at mga komentaryo laban sa Pyongyang.
Layon ng SoKor na galitin nang husto ang North Korea.
By Ralph Obina