Magpapatupad ngayong araw ang AirAsia Philippines ng “#Loveisinthefare promo” para sa mga pasahero kasabay ng selebrasyon ng araw ng mga puso.
Sa anunsiyo ng nasabing airlines, magkakaroon ng P144 one-way base fare ang mga customer bilang pagdiriwang ng Valentine’s day.
Maaring i-avail ng mga biyahero ang ibat-ibang lugar sa Pilipinas, kabilang na sa pagitan ng Manila, Clark, Cebu, Caticlan, Tagbilaran, Puerto Princesa, Davao at Iloilo, at iba pang mga pangunahing destinasyon.
Magsimula ang kanilang promo ngayong araw, February 14 na matatapos naman hanggang sa February 20, 2022 na may travel period sa pagitan ng February 14 hanggang September 20, 2022. —sa panulat ni Angelica Doctolero