Kanselado na ang lahat ng nakatakdang live performances at appearances ng international singer na si Taylor Swift para sa buong taon.
Ito ay sa gitna na rin ng nararanasang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa buong mundo.
Ayon kay Taylor, bagama’t nalulungkot siya sa kanyang naging pasiya, iginiit ng singer na nais niya ring matiyak ang kaligtasan ng lahat ng kanyang fans.
Gayundin ang makatulong sa mga health officials na mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.
Kabilang sa mga nakansela ay ang performance ni Taylor sa opening ng Sofi Stadium sa California gayundin ang kanyang Lover Fest US Tour.
I’m so sad I won’t be able to see you guys in concert this year, but I know this is the right decision. Please, please stay healthy and safe. I’ll see you on stage as soon as I can but right now what’s important is committing to this quarantine, for the sake of all of us. pic.twitter.com/qeiMk2Tgon
— Taylor Swift (@taylorswift13) April 17, 2020