Patuloy paring minomonitor ng Pagasa weather bureau ang low pressure area na namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa layong 130 kilometers silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Ayon kay Pagasa weather specialist Daniel James Villamil, maliit parin ang tiyansa na maging bagyo ang namataang lpa sa susunod na dalawamput apat na oras.
Ang northeast monsoon o hanging amihan parin ang umiiral sa malaking bahagi ng bansa kaya makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Bicol Region, Romblon, Visayas at hilagang bahagi ng Mindanao partikular na ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga Region.
Apektado ng pag-ulan ang mga lalawigan sa eastern at central visayas, at negros occidental kaya pinag-iingat ng pagasa ang mga residenteng nakatira sa mga nabanggit na lugar.
Asahan din ang maulap na kalangitan sa silangang bahagi ng Luzon habang magiging maaliwalas naman ang panahon sa kanlurang bahagi ng Luzon maging ang Metro Manila ganun din sa timog bahagi ng Mindanao partikular na sa BARMM, Soccsksargen, at Davao Region.
Patuloy paring maging alerto at makinig sa mga abiso ng lokal na pamahalaan kaugnay sa lagay ng panahon; doblehin ang pag-iingat lalo na sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan; magdala ng payong at iba pang panangga para sa biglaang pagbuhos ng ulan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23 hanggang 30 degrees celsius habang sisikat ang haring araw mamayang 6:24 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:45 ng hapon.