Inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ganap nang bagyo ang Low Pressure Area sa Hilagang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, tatawagin ang naturang bago na ‘Ester’.
Nabatid na huli itong namataan sa layong 880 kilometro Silangan ng extreme Northern Luzon.
Samantala, dahil kay Ester, inaasahang makararanas ng kalat-kalat hanggang sa katamtaman at malakas na pag-ulan na posibleng may kasamang thunderstorm ang Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Samar, Zambales, Bataan, Aklan, at Antique.