Posibleng maging hudyat ng pagsisimula ng tag-ulan ang Low Pressure Area na naka-aapekto sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Posible ring pag-ibayuhin ng LPA na nakapaloob sa Inter-Tropical Convergence Zone ang southwest monsoon o hanging habagat na magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas at Caraga regions.
Bukod sa Mindanao, apektado rin ang ilang bahagi ng Palawan at Bicol region.
Samantala, hindi na maka-aapekto sa anumang bahagi ng bansa ang LPA na namuo bilang isang bagyo at nakalabas na ng Philippine Area of Responsibilty.