Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na datos ang magiging batayan kung luluwagan ang quarantine classification sa bansa.
Tugon ito ni Roque sa projection ng OCTA Research Group na posibleng nasa “low risk” na para sa COVID-19 ang National Capital Region sa katapusan ng buwan.
Mayroon ding tinitingnan na two week growth rate ng COVID-19 cases kung saan nasa -13 at -46%, indikasyon na bumagal ang hawaan.
Ang mabuti anyang balita ay nasa moderate risk na sa ICU capacity sa Metro Manila na isa sa mga factor na maaaring ikunsidera upang ibaba ang quarantine classification.
Ipinunto ni Roque na eksperimento o pilot pa lamang naman ang ipinatutupad na alert level system sa Metro Manila kaya’t kailangang pag-aralan muna ang resulta nito at nakadepende pa rin ang pasya sa IATF. —sa panulat ni Drew Nacino