Nanindigan ang Malakanyang na tama ang naging hakbang nito na sa RTC o Regional Trial Court ihain ang mga kaso laban kay Senadora Leila De Lima.
Ito ang sagot ng Palasyo sa puna ni Liberal Party Interim President at Senador Kiko Pangilinan na kumukuwesyon sa hurisdiksyon ng RTC sa mga kaso laban sa senadora.
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo, malinaw ang isinasaad sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act na dapat isampa sa RTC ang mga kasong may kinalaman sa droga na kinatigan din mismo ng korte suprema.
Una nang iginiit ni Pangilinan na dapat idinaan sa Office of the Ombudsman at saka isinampa ang kaso laban kay De Lima sa Sandiganbayan bilang ito’y isang opisyal ng pamahalaan.
By Jaymark Dagala