“Hindi pa tapos ang boxing”.
Ito ang inihayag ng kampo ni Administration standard bearer Mar Roxas kasunod na rin ng kabiguang manguna sa partial at unofficial count ng election results sa 2016 presidential race.
Aminado si Akbayan Representative Ibarra Gutierrez, tagapagsalita ng Liberal Party na nakadidismaya ang inisyal na resulta ng halalan, pero hindi pa naman tapos ang pagbibilang ng boto.
Hindi pa kasama rito ang resulta ng nangyaring botohan mula sa overseas at local absentee voting.
Samantala, sinabi ni Gutierrez na nananatili silang optimistic na may pag-asa si Camarines Sur Representative Leni Robredo na halos dikit ang laban kay Senador Bongbong Marcos.
By Meann Tanbio