Naniniwala ang mga Liberal Party Congressmen na nabigyan lamang ng maling impormasyon si House Speaker Pantaleon Alvarez.
Kasunod ito ng paggigiit ni Alvarez na si Vice President Leni Robredo ang nasa likod ng impeachment complaint laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi nina Cong. Miro Quimbo, Jose Belmonte at dating Speaker Feliciano Belmonte, na kailangang tigilan na ng administrasyon ang Bise Presidente at huwag na itong akusahan ng pangunguna sa destabilisasyon.
Iginiit ng mga mambabatas na maliban sa gawa – gawa lamang ang umano’y destabilisasyon laban sa Pangulong Duterte, ay una na ring inihayag ni Robredo ang kanyang suporta sa Pangulo.
By Katrina Valle |With Report from Jill Resonotoc