Itinanggi ng Liberal Party o LP na hindi makamasa si LP standard-bearer Mar Roxas.
Sa unang edisyon ng Boses ni Juan sa Karambola, binigyang diin ni Liberal Party Political Affairs Adviser at Caloocan Rep. Edgar Erice na may mga pulitiko naman na kung titingnan sa telebisyon ay makamasa subalit marangya naman ang lifestyle sa tunay na buhay.
Giit ni Erice, si Roxas ang pangmatagalang solusyon at seryosong tugon sa mga kinakaharap na problema ng bansa.
“Seryoso sa trabaho, yung oras niya hindi niya inuukol doon sa payakap-yakap, pakampanya-pakampanya, inuukol niya ang kanyang oras sa pagbibigay ng solusyon sa mga problema.” Pahayag ni Erice.
By Jelbert Perdez | Karambola