Magsakripisyo at tanggapin ang alok na maging Bise Presidente ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.
Ito ang apela ng Liberal Party kay Senadora Grace Poe matapos maideklarang standard bearer ng Liberal Party si Roxas.
Binigyang diin ni Congressman Edgar Erice, Chairman for Political Affairs ng LP, na bagamat mataas sa mga nakalipas na survey si Poe ay hindi pa aniya hinog ang Senadora ‘di gaya ni Roxas na handang-handa nang pamunuan ang bansa.
Sinabi pa ni Erice na kung ihahalintulad sa prutas, bibilhin nila si Poe upang ihanda aniya ito at pahinugin.
By Ralph Obina