Masyado pang maaga para ideklarang buo na ang pinakamalakas na tiket ang Partido Liberal para sa darating na eleksyon.
Ito ang sinabi sa DWIZ ni Liberal Party (LP) Vice Chairman at Senate President Franklin Drilon sa gitna ng ulat na ayaw nina Governor Vilma Santos, Congresswoman Leni Robredo at Senator Sonny Trillanes na maging running mate ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa 2016 elections.
Paliwanag ni Drilon, mahaba pa naman ang panahon at hindi pa nagdedeklara ng kandidatura ang ilang kandidato.
Giit pa ng senador, patuloy na tututukan ng partido ang pagpapalakas ng kanilang standard bearer na si Roxas.
“Talagang tututukan natin para lumakas, that has been our objective from the very start, kailangan palakasin ang aming kandidato rather than rely on anybody.” Pahayag ni Drilon.
By Jelbert Perdez | IZ Balita Sabado