Binuweltahan ng Liberal Party (LP) si Senador Grace Poe sa panawagan nitong magbitiw na sa puwesto si Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Jun Abaya dahil sa kapalpakan ng Metro Rail Transit (MRT).
Ayon kay Congressman Edgar Erice, Chairman for Political Affairs ng LP, bahagi lamang ng pangangampanya at pamumulitika ni Senador Poe ang kanyang mga banat sa administrasyon.
Aminado si Erice na nagkaroon ng mga pagkukulang sa pamamahala sa MRT subalit, hindi naman anya solusyon dito ang pagpapalit ng liderato ng DOTC.
“Hindi naman kabisado ni Senator Poe kung gaano kakumplikado ang problema ng MRT, ako 2001 pa lang pinaglalaban ko na yan, well may pagkukulang, hindi naman natin itinatanggi yun pero under the present circumstances, masasabi natin na useless na palitan si Secretary Abaya in the next 5 months, ipapalit natin mag-aaral pa lang, samantalang sa kabila ng pagkukulang ay nasa kanya na ang impormasyon, nasa kanya na yung momentum para bigyan ng solusyon ang problema.” Pahayag ni Erice.
By Len Aguirre | Karambola