Malaki ang posibilidad na magkawatak-watak ang administration coalition dahil sa isyu ng pagpili ng kanilang mamanukin sa 2016 Presidential elections.
Ito ang inamin ni Iloilo Representative at Liberal Party (LP) Stalwart Niel Tupas Jr., ito rin aniya ang dahilan kaya walang pagod si Pangulong Aquino sa pakikipag-usap sa mga coalition partners para mapanatili ang alyansa ng administrasyon.
Subalit realidad umano sa mga politikong kasapi ng LP ang posibilidad na mahati sakaling hindi magkasundo sa kanilang standard bearer.
Duda si Tupas na sapat ang core leadership ng LP para siguraduhing mananalo ang kanilang kandidato sa pagka-Pangulo.
By Mariboy Ysibido