Opisyal nang ilalabas ng Liberal Party sa October 9 ang mga isasabong nito sa 2019 senatorial elections.
Ipinabatid ito ni Senador Francis Pangilinan, pangulo ng LP bagamat posibleng hindi nila mabuo ang bilang ng mga senatorial candidates.
Sinabi ni Pangilinan na tinututukan nila ang pagtiyak sa kanilang resources para masuportahan ang mga quality candidates.
Una nang ibinunyag ng dating ruling party ang tatlong pambato nila sa pagka-senador na sina Senador Bam Aquino, dating Deputy Speaker Lorenzo Erin Tañada III at De La Salle University College of Law Dean Jose Manuel Chel Diokno.
—-