Suportado ng Liberal Party senators ang pag-endorso ng Pangulong Benigno Aquino III kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.
Patunay dito ang pagdalo sa Club Filipino nina LP Vice Chair at Senate President Franklin Drilon, Senador Ralph Recto, Bam Aquino at TG Guingona.
Naniniwala ang mga LP senators sa kakayahan ni Roxas na anila’y kayang ipagpatuloy ang mga nasimulan ni PNoy.
Ayon kay Drilon, malaki ang maitutulong ng endorsement ni PNoy kay Roxas para tumaas ang rating nito sa surveys lalo na’t nananatiling mataas ang ratings ng Pangulo kahit 10 buwan na lamang ito sa puwesto.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)