Nananatiling solido ang Partido Liberal kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, para maging Presidential candidate sa 2016.
Ayon kay Congressman Edgar Erice, ito ay dahil sa kanilang tingin, si Roxas ang pinakamaraming ibinigay na tulong para sa administrasyon.
“Wala naman pong iba na nakikita kami na nagsakripisyo, gumagawa ng tama, tumutulong sa administrasyong Aquino, si Secretary Mar Roxas, wala po kaming ibang nasa isip. Si Senadora Grace Poe ay hindi naman po miyembro ng LP although siya’y miyembro ng Coalition, nag-uusap din po sila ni Pangulong Aquino, kaya kailangan din na magkaroon pupuwede ng pagkakaisa.” Ani Erice.
Kumpiyansa din ni Erice na mapapanatili at madadagdagan pa ang sasapi sa kanilang partido habang papalapit ang 2016.
Mactan International Airport
Naniniwala naman si Congressman Edgar Erice na pulitika lamang ang motibo, kung bakit inaakusahan ang Liberal Party na gagamiting gatasan ng pondo ang Mactan Cebu International Airport.
Ipinaliwanag ni Erice na noon pa mang una ay halata nang ayaw ng lokal na pamahalaan na manalo sa bidding ang Mega World, at ilang ulit na itong kinuwestyon sa kongreso.
Iginiit din ni Erice na bagamat ibibigay sa pamahalaan ang mahigit sa P14 na bilyong pisong pondo, ito naman ay mapupunta sa National Treasury.
By Katrina Valle | Karambola