Tinawanan lamang ni Vice President Jejomar Binay ang resulta ng survey ng Liberal Party (LP) kung saan nanguna si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa mga Presidentiable sa 2016.
Sinabi ni Binay na binuo ni Roxas ang kanyang araw at nagpapalakas lamang aniya ng loob ang kalihim.
Ang 2016 Presidential elections ay magsisilbi umanong rematch kina Binay at Roxas na nagsagupa noong 2010 elections kung saan nanalo si Binay.
By Judith Larino | Allan Francisco