Tiwala ang LP o Liberal Party na kakayanin ng dating Pangulong Noynoy Aquino na idepensa ang kaniyang mga naging aksyon bago o nuong panahong naganap ang Mamasapano Incident.
Binigyang diin ito ni LP President Senador Francis Kiko Pangilinan matapos ipag utos ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa dating Pangulo dahil sa pagkasawi ng 44 na SAF Commandos sa Mamasapano Operations.
Sinabi pa ni Pangilinan na tiwala rin sila kay Ombudsman Conchita Carpio Morales na pangangasiwaan nito ng patas at may kredibilidad ang proseso nang paghahanap ng katotohanan sa nasabing insidente.
Naniniwala aniya sila sa naging commitment nuong dating Pangulo para maisulong ang prosesong pangkayapaan sa Mindanao at kanilang nakita na ang mga naging hakbangin nuon ng Pangulo sa Mamasapano ay kinakailangan at in good faith para sa katahimikan ng Mindanao.
By: Judith Larino / Cely Bueno
LP tiwala na kakayanin ni dating Pangulong Noynoy ang kasong isasampa sa kanya was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882