Umaasa ang Liberal Party na papaboran ng korte suprema ang petisyong inihain ni Senador Leila De Lima na kumukwestyon sa legalidad ng warrant of arrest laban sa kanya.
Sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng Liberal Party na kung papaboran ng supreme court ang naturang petisyon, magiging invalid na ang arrest warrant.
Iginiit ni Gutierrez na walang batayan para ikulong pansamantala si De Lima.
Bagamat mayroon aniyang mga nakabinbing kaso laban dito, kailangan na maresolba mula ang mga nakabinbing motion to quash ng senadora bago umusad ang kaso.
Si De Lima ay nakakulong ngayon sa Philippine National Police o PNP Custodial Center sa kampo Crame dahil sa kinakaharap na drug charges bunsod ng umano’y illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).
By Meann Tanbio
Photo Credit: Brigada ni Barry