Nakakaapekto pa rin sa southern Mindanao ang isang Low Pressure Area o LPA.
Ayon sa PAGASA, apektado naman ng buntot ng cold front ang eastern section ng central at southern Luzon.
Maliban dito, nakakaapekto rin sa northern Luzon ang northeast monsoon o hanging amihan.
Samantala, maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Kamaynilaan at sa mga rehiyon ng CALABARZON, Kabikulan, Silangang Kabisayaan, CARAGA, SOCCSKSARGEN at Davao at sa mga lalawigan ng Aurora, Mindoro, MARINDUQUE at Romblon.
Inaasahan din sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley at sa nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon ang maulap na kalangitan na may mahinang mga pag-ulan.
By Jelbert Perdez