Nakaranas ng mga pag-ulan ang ibat ibang lugar sa bansa dulot ng Low Pressure Area (LPA) at ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Ayon sa weather bureau PAGASA, namataan ang LPA kahapon, 695 kilometers silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar.
Dahil dito, maulap na papawirin na may kasamang mga pag-ulan at pagkidlat ang naranasan sa Davao Region at Soccsksargen.
Habang nakaranas rin ng sama ng panahon ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.