Asahan na ang mga pag-ulan sa hilaga gayundin ang Gitnang Luzon bunsod ng habagat na pinaigting ng binabantayang Low Pressure Area o LPA.
Ayon sa PAGASA, namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 340 kilometro silangan-hilagang silangan ng Itbayat Batanes.
Samantala, asahan naman ang mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan sa Metro Manila na sanhi ng thunderstorm.
Katamtamang hangin ang iiral mula sa timog kanluran habang magiging banayad hanggang sa kung minsan ay maalon naman ang mga baybaying dagat.
By Jaymark Dagala