Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) na nasa labas pa ng bansa.
Ang nasabing LPA, ayon sa PAGASA ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 1,000 kilometro timog silangan ng Mindanao.
Sinabi ng PAGASA na posibleng pumasok ito sa bansa mamayang gabi o bukas ng umaga sakaling magpatuloy ang pagkilos nito.
Hindi naman inaasahang magiging ganap na bagyo ang LPA subalit magdadala ito ng pag-ulan na may kasamang thunderstorm sa Mindanao simula sa Huwebes o Biyernes.