Isang panibagong Low Pressure Area (LPA) ang inaasahang papasok sa bansa ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 1,255 kilometro silangan ng Visayas.
Inaasahang mabubuo ito bilang ganap na bagyo simula ngayong araw hanggang bukas ng umaga kung saan tatawagin itong Jenny.
Dagdag ng PAGASA, may posibilidad din itong tumama sa kalupaan ng hilagang Luzon bukas o sa Miyerkules.
Samantala, patuloy na makakaapekto sa Luzon at Western Visayas ang Southeast Monsoon o Habagat.
Magdadala ito ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas at Mindoro Provinces.
Nakataas naman ang gale warning sa mga karagatang sakop ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan kung saan inaasahan ang katamtaman hanggang sa malakas na alon.