Posibleng pumasok sa bansa ngayong araw na ito ang Low Pressure Area (LPA) na mino-monitor ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing LPA ay namataan sa halos dalawang libong (2,000) kilometro silangan ng Mindanao.
Ipinabatid ng PAGASA na ang naturang LPA ay patungong Caraga Region at inaasahang magla-landfall sa Linggo.
Babagtasin ng nasabing LPA ang Caraga at Visayas ngayong weekend, dahilan para ulanin ang mga naturang lugar.
—-