Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA at pinangalanan na itong tropical depresssion “Enteng”.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong “Enteng” sa layong 510 kilometro Silangan ng Baler, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 55 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyong Enteng sa direksyong pa-Hilaga sa bilis na 10 kilometro bawat oras.
Dahil dito, paiigtingin ng bagyong Enteng ang hanging Habagat na siyang magdadala ng mga pag-ulan sa gitna at katimugang Luzon gayundin sa visayas at Mindanao.
Kahapon, binaha ang maraming lugar sa Metro Manila dahil sa malakas na buhos ng ulan lalo na sa bahagi ng Quezon City, Camanava at Bulacan.