Asahan ang malakas na pag-uulan dulot ng patuloy na binabantayang LPA o Low Pressure Area na namataan sa timog silangan ng Daet Camarines Sur.
Dahil dito, makararanas na malalakas na pag-uulan ang lalawigan ng Quezon at Marinduque na maaaring magdulot ng mga pagbaha.
Mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan naman ang asahan sa nalalabing bahagi ng CALABARZON, Mindoro at Camarines Norte.
Samantala magiging maulap na may kasamang kalat-kalat na mahihinang paguulan sa kamaynilaan at nalalabi pang bahagi ng bansa.
By Krista de Dios