Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ayon sa PAGASA, bunsod ito ng Low Pressure Area (LPA) na makakaapekto sa Visayas, Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Palawan.
Dahil sa LPA, posible ang pagbaha at landslide sa naturang lugar.
Samantala, uulanin din ngayong araw ang Metro Manila, CALABARZON, Cagayan Valley, Aurora, at Bicol Region ngunit dahil ito sa northeast monsoon o amihan.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay posibleng makaranas din ng pag-ulan dahil sa localized thunderstorm.