Magdadala pa rin ng pag-ulan sa Northern Luzon ng pag-ulan ang Low Pressure Area (LPA) na dating si bagyong Lando na huling namataan sa layong 240 kilometro silangan ng Basco, Batanes.
Makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na may pulo-pulong pagkidlat pagkulog ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Batanes kabilang ang Calayan at Babuyan Group of Islands.
Maaliwalas na panahon naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon gayundin sa Visayas at Mindanao.
Magiging mainit pa rin sa tanghali ngunit posibleng makaranas ng mga isolated na thunderstorm sa hapon o gabi.
By Mariboy Ysibido