Asahan ang maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-uulan na may kasamang thunderstorm sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.
Ito ay sanhi ng low pressure area at hanging Habagat at posible itong magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa habang malakas ang pag-uulan.
Sa parte ng Visayas at Mindanao naman, maulap na papawirin din na may isolated rainshower ang asahan.
Sanhi ito ng localized thunderstorm at posible din magdulot ng pagbaha at landslide.
Huling namataan ang low pressure area sa layong 810 km Silangan ng Calayan, Cagayan.—sa panulat ni Rex Espiritu