Asahan pa rin ang epekto ng Low Pressure Area (LPA) sa gitna at katimugang bahagi ng Luzon.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, mataas ang tiyansa na makaapekto ang LPA sa Metro Manila habang magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan sa Northern Luzon area maliban nalang sa mga pulu-pulong panandaliang pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat lalo na sa hapon hanggang sa gabi.
Magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Visayas area habang mainit at maalinsangang panahon naman ang mararanasan sa Mindanao maliban nalang sa mga isolated rain showers dulot ng mga localized thunderstorm lalong lalo na sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:29 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:28 ng hapon.