Asahan na makakaranas parin ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Luzon area partikular na ang bahagi ng Cagayan Valley, Quezon Province, Bicol Region at MIMAROPA bunsod ng Northeasterly surface windflow at Low Pressure Area (LPA).
Generally fair weather condition naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi pa ng Luzon pero may tiyansa ng mga panandaliang pagbuhos ng ulan lalo na sa hapon at gabi.
Magiging maulap parin ang kalangitan ng buong bahagi ng Visayas at Mindanao bunsod parin ng LPA.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 31°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:48 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:09 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero