Tuluyan nang natunaw ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay Gener Quitlong ng PAGASA, easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean lamang ang nakakaapekto sa bansa partikular sa katimugang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Maalinsangang panahon ang mararanasan sa buong bansa na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na dulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.
Wala ring inaasahang sama ng panahon sa loob ng dalawa o tatlong araw.
Samantala, ayon kay Quitlong posibleng sa susunod na linggo ay maramdaman na ang pag-iral ng hanging amihan sa bansa.
—-