Bahagyang lumakas ang Tropical Depression Jolina habang bumabaybay ito pakanluran sa Philippine Sea.
Batay sa pinakahuling datos ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong Jolina sa layong 205km silangan, timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55km/hr malapit sa gitna at may pagbugsong aabot naman sa 70km/hr.
Kumikilos ang bagyong Jolina pa-kanluran sa bilis na 15km/hr.
Dahil dito, nakataas ang babala ng bagyo bilang isa sa lalawigan ng Sorsogon, Northern Samar, Samar at Eastern Samar gayundin sa Dinagat Island, Siargao at Bucas Grande Islands.
Samantala, may binabantayan na isa pang sama ng panahon ang PAGASA na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at inaasahang papasok sa Miyerkules.