Nakapasok na ng bansa ang Low Pressure Area (LPA) na minomonitor ng PAGASA.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Tropical Depression Caloy alas-10 kagabi sa layong 385 kilometers, kanlurang bahagi ng Iba, Zambales.
Taglay ni Bagyong Caloy ang lakas ng hanging aabot sa 45 km/h malapit sa sentro at pagbugso ng hanging aabot sa 55 km/h at kumikilos pakanlurang-hilagang-kanluran habang patuloy na binabaybay ang West Philippine Sea (WPS) palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Asahan naman na patuloy na palalakasin ng bagyo ang southwest monsoon o hanging habagat na nagdudulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
Sa susunod na 12 oras, inaasahang kikilos ang bagyo pahilagang-kanluran palabas ng PAR habang patuloy na binabaybay ang karagatang patungong Southern China.
Wala namang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA pero asahan ang malalakas na hangin sa Luzon at Visayas dahil pa rin sa southwest monsoon kung saan, asahan na makakaranas ng mga pag-ulan ang mimaropa, palawan, oriental mindoro, occidental mindoro, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Laguna, Aurora, Quezon Province, Rizal, Tarlac, Pampanga, Ilocos region, Bicol region, at Western Visayas.
Samantala, inaasahan namang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility sa loob ng 24 na oras ang Bagyong Caloy at inaasahang magtutungo sa China sa darating na Biyernes o Hunyo a-1.