Naging ganap nang bagyo ang low pressure area (LPA) na naunang namataan sa bahagi ng extreme northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, muling pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang naturang LPA dakong alas-siyete kaninang umaga makaraang lumabas sa bahaging saklaw ng bansa.
Tuluyan namang naging tropical depression ang namumuong sama ng panahon dakong alas-otso naman ng umaga kanina.
Tinawag itong bagyong ‘Goring’.
Ito na ang ika-pitong tropical cyclone na makaaapekto sa bansa ngayong taong 2019.
Samantala, mag-iisyu naman ng iba pang detalye ang PAGASA kaugnay sa bagyong ‘Goring’ sa kanilang 11AM-weather bulletin, ngayong araw.