Ganap nang naging bagyo ang low pressure area na namataan sa bahagi ng Palawan.
Ayon sa PAGASA, kasalukuyang nakataas ngayon ang signal number one sa Palawan.
Huling namataan ang bagyo sa layong dalawandaan at apatnapu’t limang kilometro timog silangan ng Puerto Princesa City.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa limampu’t limang kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong nasa walumpung kilometro kada oras. Inaasahang mamayang gabi tatama ang bagyong Tino sa kalupaan ng katimugang bahagi ng Palawan sa pagitan alas kwatro ng hapon hanggang alas sais ng gabi.
Inalerto naman ng PAGASA ang mga residente sa MIMAROPA, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga at Panay island na mag-ingat sa posibleng landslide at flashloods.