Patuloy paring umiikot ang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pero maliit ang tiyansa nito na maging isang Tropical depression.
Magdudulot ng pag-ulan ang naturang LPA sa ilang bahagi ng Luzon at posibleng pumasok sa PAR ngayong araw o sa darating na Huwebes.
Dahil diyan, patuloy paring makakaapekto ang shearline sa eastern section ng northern Luzon dahilan ng pagkakaroon ng isolated rain showers partikular na sa Cagayan Valley at eastern section ng northern Luzon.
Umiiral parin ang hanging amihan kung saan, apektado parin nito ang northeast at Central Luzon na may tiyansa na ulanin sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay nasa 23°C na may maximum level hanggang 33°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:16 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:32 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero