Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang LPA o Low Pressure Area na namataan sa layong 205 kilometro kanluran timog kanluran ng General Santos City, South Cotabato.
Magdudulot ito ng maulap na papawirin na may kasamang malawak at malalakas na pag-uulan sa bahagi ng Bicol region, Eastern at Central Visayas at CARAGA Region.
Habang kalat-kalat na pag-uulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa bahagi ng MIMAROPA, Western Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at lalawigan ng Quezon.
Dahil dito pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa mga posible pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng malakas na pag-uulan.
Samantala, apektado naman ng hanging Amihan ang bagahi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Ilocos Region na posibleng magdala ng mahihinang pag-uulan.
Posted by: Robert Eugenio