Malaki ang tsansang maging tropical depression ang Low Pressure Area o LPA na namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa bahagi ng West Philippine Sea.
Sinabi ng PAGASA na sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ay mananatili ang sama ng panahon sa boundary ng PAR o Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa PAGASA, tatawaging ‘Kiel’ ang nasabing sama ng panahon kapag tuluyan itong naging bagyo.
Nakakaapekto naman ang trough o dulo ng LPA sa bahagi ng Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.
Bukod dito, may isa pang binabantayang bagyo ang PAGASA sa labas ng bansa at ito ay isang severe tropical storm na may international name na ‘Halong’.