Isa nang ganap na bagyo ang severe tropical storm na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo na may international name na Wutip sa layong 2,540 kilometro silangan ng Mindanao.
Taglay ng typhoon ang lakas na hanggang 130 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 160 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Bagaman malabo pang pumasok sa PAR, inabisuhan ng PAGASA ang publiko na mag-monitor lalo’t maaari pang magbago ang direksyon ng bagyo.
Sakali namang pumasok sa bansa, papangalanan ang nabanggit na bagyo na Betty.