Patuloy pa ring minomonitor ng PAGASA Weather Bureau ang Low Pressure Area (LPA) na dating si Bagyong Queenie na nasa loob pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at huling namataan sa layong 140 kilometers timog-silangan ng Davao City.
Inaasahan pa rin na magdadala ng mga pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat ang LPA sa iba pang bahagi ng bansa partikular na sa Mindanao.
Makararanas ng mga pag-ulan ang Caraga at Davao Region habang magiging mainit at maalinsangan naman ang panahon sa Luzon partikular na sa Metro Manila pero mataas ang posibilidad na ulanin sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 31°C habang sumikat naman ang haring araw kaninang 5:52 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:26 ng hapon.