Isang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Pilipinas ang mino-monitor ng PAGASA.
Ang nasabing sama ng panahon, ayon sa PAGASA ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 1,600 kilometro silangan- hilagang- silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay ng nasabing LPA ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 45 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 55 kilometers kada oras.
Posibleng bukas ay nasa PAR na ang naturang sama ng panahon kung hindi magbabago ang bilis nito at magpapahina ito sa Hanging Habagat kapag nasa bansa na.