Posibleng pumasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility ang namataang Low Pressure Area (LPA) sa silangang bahagi ng Pilipinas.
Ayon sa data ng JTWC o Joint Typhoon Warning Center, makakaapekto ang LPA sa central at southern part ng bansa.
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mahina pa ang nasabing LPA subalit maaaring lumakas sa mga susunod na araw.
Ipinabatid naman ng PAGASA na maliit pa ang posibilidad na maging bagyo ang LPA sa loob ng beinte kuwatro oras bagamat sinasabing malakas na ulan ang dala nito kapag nakaapekto na sa bansa.
By Judith Larino