Nakapasok na sa bansa ang binabantayang LPA o Low Pressure Area na pinakahuling namataan sa layong 770 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing LPA ay inaasahang magiging bagyo sa susunod na 24 hanggang 36 oras at papangalanang ‘Jenny’.
Ang Bagyong Jenny ay inaasahang tatama sa kalupaan sa bahagi ng Northern Luzon.
Ang buntot ng nasabing LPA at ang habagat ay magpapaulan ngayong araw na ito sa Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Caraga Region, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.
Pinag iingat ng PAGASA ang mga residente sa posibleng flash floods o landslides.