Binabantayan ngayon ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang isang Low Pressure Area o LPA.
Huling namataan ang naturang sama ng panahon sa silangang bahagi ng Visayas.
Sa ngayon ay wala pa ito sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Samantala, asahan naman ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na may kasamang thunderstorm sa rehiyon ng Caraga, Northern Mindanao at Eastern Visayas dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
By Ralph Obina
LPA namataan ng PAGASA was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882