Makararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
Ito’y dahil sa pinaiigting ng binabantayang Low Pressure Area (LPA) ang hanging Habagat habang tumatawid ito sa Luzon.
Huling namataan ng PAGASA ang binabantayang sama ng panahon sa bahagi ng Apayao at papatawid ito patungo sa mga lalawigan ng Ilocos.
Bukas, araw ng Lunes, inaasahang lalabas na patungong West Philippine Sea ang naturang sama ng panahon.
Samantala, isa pang LPA naman ang namataan din ng PAGASA sa layong 840 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Gayunman, nilinaw ng PAGASA na malabong maging isang ganap na bagyo ang mga naturang LPA na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).